MMDA babawiin ang mga pag-aaring lupa
Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nakatakdang bawiin ng Manila Metropolitan Development Authority (MMDA) ang mga lupaing pag-aari nila na kinatatayuan ngayon ng mga pribadong establisimento para magamit nilang pasilidad upang maibsan ang masikip na daloy na trapiko sa ilang pangunahing lansa­ngan ng Metro Manila.

Ayon kay MMDA Officer-In-Charge (OIC), General Ma­nager Tim Orbos, padadalhan nila ng sulat sa susunod na linggo ang mga establisimentong nakatayo sa ilang bahagi ng Roxas Boulevard at Macapagal Avenue.

Ito ay matapos nilang ma­diskubre nitong nakaraang linggo na ang lupaing matatagpuan sa Southbound lane area ng Roxas Boulevard mula Pasay hanggang Parañaque City, na tinatayang nasa 3 ektarya ay pag-aari ng MMDA. Gayundin ang lupaing kinatitirikan ng Dampa o mga kainan sa may Macapagal Avenue, Pasay City ay pag-aari rin ng naturang ahensiya.

Nabatid kay Orbos, kapag nabawi nila ang naturang mga lupain, pwede nila itong magamit na pasilidad para lumawag ang daloy ng trapiko sa ilang pa­ngunahing lansangan ng Kalak­hang Maynila, partikular sa kahabaan ng Roxas Boulevard at Macapagal Avenue. Maaari nila itong gawing terminal, bike lane at alter­natibong daanan sa mga motorista.

MACAPAGAL AVENUE MANILA METROPOLITAN DEVELOPMENT AUTHORITY ROXAS BOULEVARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with