^

Metro

Rider lasog sa trailer truck

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang rider ang nasawi habang malubha namang nasugatan ang backrider nito  matapos mahagip ng isang trailer truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawing biktima na si Arnold Dela Torre, 21, guwardya, residente ng Katipunan St., Fort Bonifacio, Taguig City, sanhi nang pagkabagok ng ulo at matinding pinsala sa katawan.

Ginagamot naman sa Ospital ng Makati ang angkas nitong si Ferdinand Badjao, 47, ng  Brgy.  Guadalupe  Nuevo, Makati City, nagtamo rin ng matinding pinsala sa katawan.

Nasa custody naman ng pulisya ang driver ng trailer truck na si Benjamin Evangelista Jr. 31, ng Bangkulasi St.,  Navotas City.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Jaime Orante, ng Makati City Traffic Bureau, naganap ang insidente alas-11:50  kamakalawa ng gabi sa Southbound lane ng panulukan ng  South Super Highway at Arnaiz Avenue ng naturang siyudad.

Nabatid, na minamaneho ni Dela Torre ang isang kulay pulang Honda motorcycle na may plakang NC-65019 at angkas nito na si Badjao.

Habang binabagtas nila ang naturang lugar, nagpumilit umano ang mga itong tumawid sa intersection kahit naka -pula na ang traffic light at naka-green naman mula lugar na binabagtas ng trailer truck na may plakang WAQ-150 na minamaneho ni Evangelista.

Sinabi ni Evangelista, na tinangka niyang iwasan ang motorsiklo, subalit nahagip din niya ito.

Sa lakas ng impact ay tumilapon ang mga biktima pati ang suot nilang helmet ay natanggal, na naging dahilan ng agarang kamatayan ni Dela Torre at si Badjao naman ay mabilis na isinugod ng rescue team sa nabanggit na ospital.

 

TRAILER TRUCK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with