Kiddie ride sa mall, sumiklab
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 5, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang maigsing sunog ang naitala sa isang kiddie ride sa loob ng isang shopping mall na dati nang natupok ng apoy sa lungsod ng Caloocan, kahapon.

Sa inisyal na ulat, dakong ala-1:03 ng hapon nang su­miklab ang apoy sa “car bump ride” sa ikaapat na palapag ng Victory Mall sa may Monumento, ng natu-rang lungsod.

Tumagal lamang ang pagsiklab ng apoy ng may 10 minuto nang agad itong maapula ng mga bumbero at hindi na kumalat pa.  Wala namang inisyal na naitalang nasaktan sa insidente na lumikha ng kaguluhan sa mga “mall goers”.

Patuloy ang imbesti-gas­yon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa tunay na sanhi ng apoy na inisyal na hinihinalang pag-short circuit sa mga kable ng na­turang ride. 

Matatandaan na noong Mayo 2015, natupok ang ma­laking bahagi ng naturang mall sa sunog na tumagal ng halos pitong oras. Ilang buwang isinara ang natu-rang mall nang matuklasan ang iba’t ibang paglabag sa building code ngunit muli rin namang binuksan sa publiko.

KIDDIE RIDE
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with