^

Metro

Presyo ng LPG, tumaas

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpatupad na ng taas presyo  kahapon  ang ilang kompanya ng langis sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) o cooking gas.

Ang LPG price hike ay pinangunahan ng Petron Corporation na nagtaas ng P3.80 kada kilo sa presyo ng Gasul at Fiesta Gas na katumbas ng P41.80 sa bawat 11 kilogram na tangke.

Tumaas din ng P2.15 kada litro  ang Auto LPG, na epektibo ito ng alas-6:00 ng umaga.

Ayon kay Raffy Ledesma,  ng Petron Corporation, ang  LPG price hike ay bunsod ng paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.

Inaasahang magpapatupad na rin ng pagtaas ang iba pang kompanya ng langis na may kahalintulad ding halaga.

Huling nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng LPG ay noong Oktubre 1 ng taong kasalukuyan.

LPG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with