Lola, itinumba ng rider

MANILA, Philippines - Patay ang isang 59-anyos na lola matapos itong pagbabarilin ng isang hindi kilalang rider , kahapon ng tanghali sa Makati City.

Dead-on-arrival sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Jean Dela Cruz, residente ng Brgy. Palar Southside ng naturang lungsod, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang pulis­ya hinggil sa insidente at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng suspect.

Ayon sa pagsisiyasat ni SPO1 Alfred Reyes, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Makati City Police, naganap ang insidente alas-11:45 ng tanghali habang ang biktima ay nakatayo sa kanyang  tindahan nang biglang sumulpot ang isang motorsiklong walang plaka, sakay ang isang lalaking naka helmet.

Bumaba ang lalaki na armado ng baril at walang salitang pinaputukan ang biktimang lola.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tu­makas ang suspect pa­tungong C-5 Road at ang biktima naman ay kaagad na dinala ng kanyang mga kaanak sa naturang ospital, subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Blangko pa ang pu­lis­ya sa motibo sa na-ganap na krimen.

Show comments