Jaybee Sebastian, malabong ibalik sa maximum security compound

MANILA, Philippines – Pag-aaralan pa ng Bureau of Corrections (BuCor) ang kahilingan ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian na isa sa mga  nasugatan  sa umano’y  riot sa New Bilibid Prison (NBP) hinggil sa hiling nito na  ilipat  ito ng kulungan para sa kanyang kaligtasan.

Ayon kay BuCor Director Rolando Asuncion, kahapon ng hapon lamang niya natanggap ang request letter ni Jaybee Sebastian sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Eduardo Arriba na sa halip na ibalik sa building 14 ay nagpapalipat ito sa dati nitong selda na nasa  Maximum security compound din.

Sinabi ni Asuncion, na masusi pa nilang pag-aaralan  ang kahilingan ni Sebastian, kung papayagan nila ito.

“Lalo na si Sebastian ay hindi ko siya ibabalik sa maximum kasi lumalabas na siya ang impormante ng gobyerno, ayon kay Senador De Lima at papatayin siya doon, alam na siya ang taga-sumbong kaya’t ibabalik ko siya sa building 14 at i-lock ko silang lahat doon para hindi na sila magkita-kita”,  ayon kay Asuncion.

Ang kahilingan ito ay dahil nangangamba ang kampo ni Sebastian hinggil sa seguridad ng buhay nito.

Nabatid pa kay Asuncion, sa ngayon aniya wala pang kahilingan ang kampo ni Peter Co at Vicente Sy, na ilipat sila ng kulungan.

Wala pa rin umanong  abiso ang mga doktor nina Sebastian; Co at Sy kung kailan sila ilalabas ng pagamutan at wala pa ring inilalabas na medical bulletin hinggil sa kalagayan ng mga ito.

Show comments