Holdaper ng bus patay sa rumespondeng Pasay pulis

MANILA, Philippines – Utas ang isang holdaper, habang nakatakas naman ang dalawa pa niyang kasamahan matapos maabutan ng pulis sa lungsod ng Pasay ngayong Huwebes.

Ayon sa ulat ng Southern Police District, hinoldap ng tatlong suspek ang Metrolane bus na may biyaneg Valenzuela-NAIA bandang 11:40 ng umaga kanina.

Armado ng baril at granada, nagdeklara ng holdap ang mga suspek nang dumating sa Gil Puyat Avenue at FB Harrison Street ang bus.

Bandang Leveriza Street bumaba ang mga holdaper na kaagad naman isinumbong ng mga pasahero kay PO1 Rey Bautista na nagpapatrolya.

Pinaputukan ni Bautista ang mga suspek at isa sa kanila ang napuruhan at namatay, habang nakatakas ang dalawa pa.

Nakuha sa nasawing suspek ang isang cal.38 revolver, hand grenade at karamihan sa gamit ng mga pasahero.

 

Show comments