^

Metro

3 drug suspects, bulagta sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong pinaghihinalaang drug suspects  ang napatay nang maka-engkwentro ang mga ito ng  mga tauhan ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group ng Quezon City Police District (QCPD) kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay QCPD Deputy District Director for Operations Senior  Supt. Joselito Esquivel, naganap ang engkwentro bandang alas-10:00 ng gabi kamaka­lawa sa may kahabaan ng Forest Street sa Diliman, malapit sa Central Avenue sa lungsod.

Kinilala naman Chief Insp. Enrico Figueroa, hepe ng DAID, ang mga nasawing suspects miyembro ng ‘Joselito Gonzales drug  syndicate’ na  sina Darwin Moralla, alyas Win,  Virgilio Arsega, alyas Vergel at  isa pang hindi pa nakikilala.

Ayon sa pulisya isang  poser buyer  nila ang ang nakipagkita sa isa sa mga suspek para bumili ng shabu na nagkakahalaga ng P10,000.

Nang makumpirma ng mga pulis na nagbebenta ng droga ang suspek, dadakmain  na sana nila ito ngunit tumakbo papasok sa isang pinaniniwalaang drug den.

Humabol naman ang mga awtoridad subalit sinalubong sila ng putok ng baril ng mga suspect kung kaya gumanti  na rin nang pagpapaputok ang mga pulis kung saan tinamaan ang suspect at dalawa pa nitong kasabwat sa pagbebenta ng droga.

Nakuha ng mga pulis ang impormasyon tungkol sa mga suspek mula sa mga nauna nang sumukong drug users at pushers sa QCPD.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with