7 tiklo sa drug buy bust

Ang  pito katao na hinuli ng  MPD-DAID sa isinagawang  drug buy bust sa Sampaloc, Maynila at ang mga sachet ng  shabu at drug paraphernalia na nakuha mula sa mga ito. Be­ning Batuigas

MANILA, Philippines – Pito katao ang naaresto ng Manila Police District sa isang drug den sa isinagawang buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Dakong alas 9:15 ng gabi nang  maaresto sina Maritess Celocia, umano’y drug pusher sa lugar; Joemer De Leon, Niño Pineda, Danny Crispo, Arnold Piñeda, Romulo Benito, at Reynaldo Delos Santos.

Maliban kay Celocia, ang anim ay nahuli sa aktong gumagamit ng shabu sa bahay ng una sa kahabaan ng Ma. Cristina St., Sampaloc, Maynila.

Nasamsam sa mga suspek ang walong sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P50,000 at drug paraphernalia.

Ikinasa ng mga awtoridad ang operasyon matapos makatanggap ng tip na ginagawang drug den ang bahay ni Celocia.

Sasampahan ng kasong paglabag sa  Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Show comments