3 palaboy patay sa heat stroke

MANILA, Philippines - Bunga ng matinding init na nararanasan, namatay sa atake sa puso o heat stroke ang tatlong pinaniniwalaang palaboy sa Maynila, sa ulat kahapon.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:00 ng hapon ang bangkay ng di nakilalang indibidwal, na inilarawan sa edad 45-55, nakasuot ng kulay blue na shortpants, na nakadapa sa isang bakanteng lote, sa  Palanca St., Miguel, Maynila.

Nabatid na araw din ng Miyerkules, Marso 4, alas-5:00 ng umaga nang ipaalam sa MPD-Homicide Section ang pagkamatay ni Amancio Socmar, 47, palaboy na madalas tambay sa tapat ng tindahan sa Quezon Boulevard, Quiapo.

Bandang alas-3:30 ng hapon ng araw din ito ay natag­puan din ang bangkay na inilarawan sa edad na  55-65, nakasuot ng itim na pantalon at stripe na t-shirt.

Huli umanong nakita itong buhay alas-9:00 ng umaga na nagpapahinga sa ilalim ng puno sa panulukan ng H. Lopez at Nicasio Sts. Tondo (Ludy Bermudo with trainee Paul Gabriel Rellosa)

Show comments