Amerikano nambugbog ng paslit, arestado

MANILA, Philippines – Arestado ang isang American national matapos umano nitong gulpihin ang isang grade 3 pupil kama-kalawa sa Muntinlupa City.

Nakakulong ngayon sa Muntinlupa City Police detention cell ang suspek na si Bruce Scherer, 66.

Kinilala naman ang biktimang si Angelo Bulardo, 9-anyos, taga Bombasi  Compound, Barangay Tunasan ng naturang lungsod.

Sa report na natanggap  ni Senior Supt. Nicolas Salvador, hepe ng Muntinlupa City Police, alas-3:30 ng hapon nang arestuhin ng barangay police ng Barangay Tunasan ang naturang dayuhan matapos umano nitong gulpihin ang naturang biktima.

Ayon kay Salvador, ina­a­lam pa nila kung bakit ginulpi ang biktima ng naturang dayuhan dahil hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik ang magulang nito sa Muntinlupa City Police.

Show comments