Holdaper huli sa ­ikatlong pagkakataon
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Sa ikatlong pagkakataon ay muling naaresto ng mga awtoridad ang isang pusakal na holdaper at snatcher sa Marikina City kahapon ng tanghali.

Ang walang kadala-dalang suspect  ay kinilalang si Jericho Ballaran, alyas Bibe, residente ng Barangay Tumana, Marikina City.

Dakong alas-12:45 ng tanghali nang madakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte laban sa kanya dahil sa kasong pagnanakaw habang nag-aabang ng kanyang panibagong biktima sa Far­mer 1, Marikina.

Sa rekord ng pulisya, nabatid na dalawang beses ng nadakip ang suspek dahil din sa kasong pagnanakaw, pero nakakalabas lamang ng kulungan dahil sa piyansa.

Kapag nasa laya na ang suspek ay muling isinasagawa ang kanyang illegal na gawain haggang muling maaresto kahapon.

Nananawagan si P/Chief Insp. Eduardo Cayetano, hepe ng Warrant and Subpoena Section ng Marikina sa mga unang naging biktima na suspek na magtungo sa himpilan ng pulisya upang masampahan ng dagdag na kaso at hindi na makalaya pa.

 

ACIRC ANG BARANGAY TUMANA BIBE CHIEF INSP DAKONG EDUARDO CAYETANO JERICHO BALLARAN MARIKINA CITY NBSP WARRANT AND SUBPOENA SECTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with