^

Mister itinumba ng rider

Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isang mister, na pinaniniwalaang sangkot sa ipinagbabawal na gamot ang pinagbabaril at napatay ng isang motorcycle rider, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Roldan Catindoy, 37, nakatira sa Tramo St., ng naturang lungsod sanhi ng tinamong ilang tama ng bala sa mukha buhat sa kalibre .45 baril.

Lumalabas sa report na natanggap ni Senior Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-10:45 ng gabi sa panulukan ng Gil Puyat Avenue at Tramo, Brgy. 46, Zone 6 ng naturang lungsod.

Nabatid na nakatayo ang biktima sa naturang lugar nang biglang dumating ang isang motorsiklong walang plaka. Tinawag pa umano ng suspect ang biktima.

Paglingon ng biktima ay walang sabi-sabing binaril ito ng ilang ulit sa mukha  na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek.

Tinitignan ng  Pasay City Police, ang anggulong may kinalaman sa droga ang naganap na pamamaslang sa biktima  dahil sangkot umano ito sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa naturang lugar.

Binubusisi na ng pulisya kung nakuhanan ng CCTV camera ang naganap na pamamaril.

ANG BINUBUSISI BRGY GIL PUYAT AVENUE ISANG JOEL B PASAY CITY PASAY CITY POLICE ROLDAN CATINDOY SENIOR SUPT TRAMO ST.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with