^

Metro

Rider todas sa karambola ng 4 na sasakyan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang motorcycle rider habang tatlo ang isinugod sa ospital nang magkarambola ang apat na sasakyan sa MacArthur Highway sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Dead-on-the-spot dahil sa pinsala sa ulo at katawan si Edmundo Rabusa, 55, may-asawa, at residente ng No. 52-17 De Regla St., Brgy. Karuhatan, ng naturang lungsod.

Isinugod naman sa Philippine Orthopedic Hospital si Sigfred Ativo, driver ng isang Honda Beat, at dalawang hindi agad nakilalang mga backride.

Sa ulat ng Valenzuela City Police-Traffic Sector, binabagtas ni Rabusa at backride nito lulan ng Kawasaki Fury motorcycle ang southbound lane ng MacArthur Highway sa Brgy. Karuhatan dakong alas- 7:45 ng umaga.

Biglang nakasalubong nito sa kabilang lane ang Honda Beat scooter na mina­maneho ni Ativo na nag-overtake sa isang sasakyan at kinain ang kabilang lane. Dito nagkasalpukan ang dalawang sasakyan.

Tumama naman ang Beat scooter sa isang Mitsubishi Adventure na pinatatakbo ni Ferdinand Caballero habang tumama rin ang Fury motorcycle sa isang Yamaha Mio na minamaneho ni Randolf Negre.

Nahaharap naman nga-yon sa kasong reckless im-prudence resulting to homicide and multiple physical injuries ang suspek na si Ativo.

ANG

ATIVO

BRGY

DE REGLA ST.

EDMUNDO RABUSA

FERDINAND CABALLERO

HONDA BEAT

KARUHATAN

KAWASAKI FURY

MITSUBISHI ADVENTURE

PHILIPPINE ORTHOPEDIC HOSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with