^

Metro

3 Tsino tiklo sa shabu sting ops ng NCRPO

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Himas rehas ngayon ang dalawang Tsino matapos mahulihan ng 30 kilo ng shabu sa isang buy-bust operation sa lungsod ng Quezon.

Nakilala ang mga suspek na sina Geng Qing Chuan, 35 at Xiangfan Yao, 28, kapwa resident eng Ongpin, Binondo.

Nasakote ang dalawang Tsino matapos pagbentahan ng shabu ang isang undercover police sa isang condotel sa Ramon Magsaysay Avenue, corner Araneta Avenue  Barangay Doña bandang 9 a.m.

Bukod sa shabu ay kinumpiska rin ng mga awtoridad ang isang gray na Toyota Innova (TWQ-280) na ginamit ng mga suspek.

Sinabi ni  National Capital Region Police Office director Joel Pagdilao na ang pagkakahuli sa mga Tsino ay bahagi ng kanilang pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga.

Umabot na sa 90 milyon ang halaga ng droga na kanilang nakukumpiska sa loob lamang ng dalawang linggo ngayong Enero, habang nasa 131 katao na ang nadakip.

Nitong kamakalawa lamang ay isa ring Tsino ang nadakip sa buy-bust operation sa Mulawin Street, Purok 3, Barangay New Lower Bicutan.

Dalawang linggong tiniktikan ng mga awtoridad si Li Gongli, 36, bago naaresto.

Tiniyak ni Pagdilao na patuloy nilang susugpuin ang ilegal na droga.

 

ANG

ARANETA AVENUE

BARANGAY DO

BARANGAY NEW LOWER BICUTAN

GENG QING CHUAN

JOEL PAGDILAO

LI GONGLI

MULAWIN STREET

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

RAMON MAGSAYSAY AVENUE

TSINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with