Trike driver inutas ng pasahero

Crime scene tape

MANILA, Philippines – Patay ang isang tricycle driver nang pagbabarilin sa hindi pa mabatid na dahilan ng kanyang pasahero, ka­makalawa ng gabi sa Ca­loocan City.

Nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo ang 53-anyos na si Danilo Amparado, ng Kamagong St., Brgy. 165 Bagbaguin, ng naturang­ lungsod. Nakatakas naman ang hindi nakilalang salarin.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nabatid na nagpahatid ang salarin sa biktima sa may Ciudad Grande sa naturang barangay dakong alas-10 ng gabi.

Nang mapadako sa ma­dilim na bahagi ng Ciudad Grande, pinahinto ng salarin ang tricycle saka nagbunot ng baril at dalawang beses na pinaputukan ang biktima ng malapitan.

Blangko naman ang mga imbestigador sa motibo sa naturang pamamaslang.

Show comments