Estudyante ipit ang paa, 1 pa sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa QC
(Pilipino Star Ngayon) - January 5, 2016 - 9:09pm

MANILA, Philippines – Dalawang estudyante ang sugatan matapos banggain ang kanilang sinasakyang school service sa lungsod ng Quezon ngayong Miyerkules ng umaga.

Papasok sana ang mga estudyante sa St. Theresa’s College nang biglang salpukin ng rumaragasang trak ang likuran ng kanilang service.

Dahil sa mabigat na daloy ng trapiko sa Mindanao avenue at sa malakas na bangga sa likuran ay naipit ang service ng isa pang trak sa kanilang harapan.

Sa lakas ng pagbangga ay naipit ang paa ng isang walong-taong gulang na estudyante na nakaupo sa harapan. Sugatan naman ang isa pa niyang kasama.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property and multiple physical injuries ang driver ng trailer truck na si Romeo Daz.

Iginiit naman ni Daz na hindi mabilis ang kaniyang pagpapatakbo ng trak at sinabing pababa kasi ang kalsada.

 

ANG DAHIL DALAWANG DAZ IGINIIT MINDANAO MIYERKULES NAHAHARAP PAPASOK ROMEO DAZ ST. THERESA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with