Call center agent tumalon mula 10th floor, lasog
Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Patay na nang matagpuan ang isang call center agent matapos umanong tumalon ito mula 10th floor ng gusaling pinagtatrabahuan nito, kahapon sa Makati City.

Kinilala ang biktimang si Wilson Binauhan, 27, may asawa, nagtratrabaho bilang call center agent sa SKYKES Marketing Incorporated, sa lungsod at nakatira sa Calumpang Cerca, Indang, Cavite.

Base sa report na isinumite ni SPO2 Jason David, ng Homicide Section kay Senior Supt. Ernesto T. Barlam, hepe ng Makati City Police, ala-1:20 ng mada-ling araw nang matagpuan ang biktima na wala ng buhay ng ilan niyang mga kasamahan sa may roof deck ng ikaapat na palapag ng gusali na nasa Ayala Blvd.  sa naturang lungsod.

Hinihinalang mula sa non-smoking balcony, pantry area na matatagpuan sa may ika-sampung palapag ng gusali  tumalon ang biktima.

Isa sa mga teyorya ng pulisya, posibleng may matinding problemang personal ang biktima, na naging sanhi nang pagtalon nito.

Gayunman, nagsasagawa na rin ng  malalimang imbestigasyon ang Makati City Police, kung nagpakamatay ba sa pamama­gitan ng pagtalon o kung may foul play sa insidente.

ACIRC AYALA BLVD CALUMPANG CERCA ERNESTO T HOMICIDE SECTION JASON DAVID MAKATI CITY MAKATI CITY POLICE MARKETING INCORPORATED SENIOR SUPT WILSON BINAUHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with