Walang pambili ng gamot ng anak, tatay nagbigti
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Dahilan umano sa kakapusan sa pambili ng gamot sa maysakit na anak na lalaki, isang ama ng tahanan ang nagpasyang tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawi na si Dannie Comprado, 28, delivery rider, ng Kingstown II, Bagumbong, Caloocan City.

Ang biktima ay nadiskubre na lang ng kanyang kinakasamang si Mary Ann Arevalo habang nakabigti sa loob ng banyo ng pinagtatrabahuang laundry shop na matatagpuan sa V. Luna Extension, ganap na alas-12:40 ng madaling-araw.

Bago ito, lumalabas na alas-12:30 ng madaling-araw, nagpunta ang biktima sa kanyang kinakasamang si Are-valo na kawani sa laundry shop para humingi ng pambili ng gamot sa maysakit nilang anak na lalaki.

Makaraan nito, nagpaalam ang biktima na gagamit ng banyo ng shop para umano sa tawag ng kalikasan. Pero ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi na lumabas ang biktima dahilan para puntahan siya ni Arevalo kung saan bumulaga sa harap niya ang nakabiting katawan ng una sa metal beam gamit ang sinturon.

ANG AREVALO BAGUMBONG CALOOCAN CITY DAHILAN DANNIE COMPRADO KINGSTOWN LUNA EXTENSION MAKARAAN MARY ANN AREVALO NAKILALA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with