Ika-10 Oplan Galugad sa Bilibid

MANILA, Philippines – Bukod sa gadgets, nadiskubre sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang isang kubol na mistula umanong hardware.

Ito ay nakita sa selda ni Raymond Dominguez, na nahatulan ng carnapping, sa maximum security compound ng Bilibid.

Tinibag na ang kubol ni Dominguez na kinakitaan ng mga buhangin, graba at bakal.

Bukod sa kargamento, may nakita ring drug paraphernalia, air-con, cellphone at iba pang appliances na nakatago sa likod ng isang painting sa kubol ni Dominguez.

Nakumpiska rin sa ibang kubol ang anim na cellphone, 10 patalim, at P34,000 cash mula sa isang presong hindi naman nadadalaw sa mga nakalipas na taon.

Kahit walang humpay ang isinasagawang Oplan Galugad ng raiding team ng BuCor, tila parang hindi nauubos ang mga appliances na nasamsam dito, tulad ng mga electric fan, telebisyon, aircon, DVD player, speakers, generator at marami pang iba.

Ito na ang ika-10 pagsalakay ng mga awtoridad sa loob ng maximum security compound.

Show comments