Australyana sugatan sa Mandarin Oriental demolisyon

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang Australyana, habang nasira ang isang sports utility vehicle matapos mahulugan ng mga debris sa demolisyon ng Mandarin Oriental Hotel sa lungsod ng Makati ngayong Biyernes.

Nakilala ang biktimang si Suzanne Mellor na kaagad naisugod sa Makati Medical Center bandang 1:35 ng hapon.

Dahil sa aksidente ay naapektuhan din ang daloy ng trapiko sa Makati Avenue at Paseo de Roxas.

Pansamantala munang isinara ang apektadong kalsada.

 

Show comments