11-anyos todas sa ligaw na bala

Nasawi habang ginagamot sa Manila Central University Hospital ang bik­timang si Stephen Yeoj Padilla, estud­yante, at residente ng 5 Milagrosa Street, Brgy. 152 Bagong Barrio, ng naturang lung­­sod.STAR/File photo

MANILA, Philippines – Utas ang isang 11-anyos na lalaki nang tamaan ng ligaw na bala sa katawan sa na-ganap na pamamaril sa tapat ng bahay ng biktima sa  Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Nasawi habang ginagamot sa Manila Central University Hospital ang bik­timang si Stephen Yeoj Padilla, estud­yante, at residente ng 5 Milagrosa Street, Brgy. 152 Bagong Barrio, ng naturang lung­­sod.

Nakatakas naman ang suspek dala ang ginamit na baril na nakilala lamang sa alyas Dante.

Sa ulat, naglalaro sa tapat ng kanyang bahay ang biktima dakong alas-11:30 ng gabi nang dumating ang suspek kasama ang isa pang lalaki at biglang pinagbabaril ang isang grupo ng lalaki na kinabibilangan ng isang Kenneth Gonzales.

Tinamaan ng bala sa balikat si Gonzales ngunit napuruhan ng bala ang batang si Padilla na tinamaan at tumagos ang bala sa katawan. Agad na tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Isinugod naman si Padilla ng ama nito sa MCU Hospital ngunit nasawi rin habang nilalapatan ng lunas.

Show comments