‘Tulak’ itinumba

MANILA, Philippines – Isang pinaniniwalaang drug pusher ang napatay nang paulanan ng putok ng baril ng hindi pa kilalang suspek sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang kilala lamang sa alyas na “Eric”, nasa 30 hanggang 35 ang edad, nakasuot ng short pants at itim na t-shirt, dahil sa dami ng balang tinamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ni SPO3  Jose Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, walong tama ng bala sa katawan ang tinamo ng biktima nang barilin dakong alas 2:30 ng madaling araw sa 12th street, Port Area.

Nakakuha ang mga awtoridad ng pitong sealed  plastic sachet ng shabu sa bulsa ng short pants nito at ilan pang plastic na pinaniniwalaang lalagyan din ng shabu.

Naniniwala ang pulisya na may kaugnayan sa iligal na droga ang pamamaslang sa biktima, bagamat patuloy pang iniimbestigahan ang kaso.

Show comments