Presyo ng petrolyo, muling tumaas

MANILA, Philippines - Nagpatupad na naman ng taas -presyo ng kanilang produkto ang ilang oil companies ngayong araw na ito (Martes-Nobyembre 10). Ang oil price hike ay pinangunahan ng Petron, na tumaas ng P0.35 kada litro ang gasoline, P0.75 kada litro sa diesel at P0.80  naman sa kerosene. Ang dagdag presyo ay epektibo alas-6:00 ng umaga ngayong araw na ito. Ayon  kay Raffy Ledesma, ng Petron, ang oil price hike ay bunsod ng paggalaw ng pres­yuhan nito sa wold market. Huling nagpatupad ng dagdag presyo ang ilang kompanya ng langis ay noong nakaraang linggo. Asa­hang magpapatupad na rin ng oil price hike ang iba pang oil companies na may kahalintulad ang halaga.

 

Show comments