Chita Nava Lacorte, 63

MANILA, Philippines – Si Chita ‘Tita’ Nava Lacorte ay sumakabilang-buhay na kahapon sa edad na 63. Ang kanyang mga labi ay nakaburol sa St. Peter Chapel sa Forest Hill, Quirino Highway, Novaliches, Quezon City hanggang Biyernes, Nobyembre 6, 2015 ng gabi.

Nobyembre 7 ay dadalhin ang kanyang labi sa Barangay Tampo, Botolan, Zambales. kinabukasan, Nobyembre 8 ay ihahatid na siya  sa huling hantungan ng alas-3:00 ng hapon sa Botolan Cemetery pagkatapos ng isang misa sa Sta.Monica Parish Church.

Naulila niya ang mister na si Esteban Lacorte Jr., at mga anak na sina Jeane, Tirso, Jerald, Jay at Jelyn. Hinihiling ng mga naulila ang inyong panalangin.

Show comments