5 nakumpiskahan ng baril, bala at granada

MANILA, Philippines – Lima katao ang na­­­­dakip ng pu­lis­ya  matapos makum-piskahan ang mga ito ng mga baril, bala, granada at droga sa isang buy-bust operation kamakalawa sa Parañaque City.

Sa report na isinumite ni Senior Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police kay Police Chief Supt. Henry S. Ranola Jr., district director ng Southern Police District Office (SPDO), kinilala ang mga suspek na sina Warren Manampen; Maria Anna Margarita Misa; John Misa; Jayson Bufete at John Paul Lanozo, pawang mga Sailing St. Sunrise Compound, Area  4 4th Estate Subdivision, Barangay San Antonio ng naturang lungsod.

Nakumpiska sa mga ito ang shabu, assorted drug paraphernalia, ilang pirasong Morgadon, Valium, kalibre .45 pistol, mga bala, granada at buy bust money.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa Pa­rañaque City Police detention cell at sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 at  R.A. 10591 (Ille­­gal  Possession of Fire Arms, Explosives and Ammunition).

Show comments