Mag-asawa nag-away, kapitbahay nadamay 2 bata utas sa shotgun, 1 pa sugatan
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Dalawang bata na nag­lalaro lamang ang kapwa nasawi nang aksidenteng pumutok ang shotgun at tamaan ang mga ito, habang isa pa ang sugatan nang mag-away ang kanilang kapitbahay, sa Parola compound, Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC)  ang biktimang si Jemar Lacson, 10-anyos na Grade 2 pupil sa P. Guevarra Ele­mentary School at residente ng Gate 62 Area H, Parola Compound,Tondo, Maynila. Nagtamo ito ng tama ng shotgun sa dibdib.

Isang oras na sinusubukang isalba ang buhay ng kalaro nitong si Gerald San Jose, 10, Grade 3 sa Almario Elementary School pero nabigo rin ang mga manggagamot. Nagtamo naman ito ng tama sa mata at sa likod ng ulo.

Isinailalim naman sa sur-gical operation ang sugatang si Luis Almojuela, 55, na tinamaan ng bala sa kanang bahagi ng tiyan sa rib cage.

Sa ulat ni PO3 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng umaga sa  Gate 62, malapit sa Pasig shoreline, ng Parola compound.

Nabatid na dumating ng lasing ang isang Iggi Ingen-te, 26, at sinita ito ng misis na si Marites kaugnay sa bisyong pag-inom na nauwi sa halos na pagsasakitan ng dalawa  kaya nang makita ito ni Estilo Cinco, 41, kapa­tid ni Marites ay sinubukang awatin ang bayaw.

Nang ayaw umanong tumigil ay pumasok ng bahay si Cinco dala ang shotgun na ipinampalo sa bayaw pero aksidente umanong nakalabit ang gatilyo at pumutok. Tinamaan naman ang dalawang naglalarong bata at si Almojuela sa labas.

Mabilis na naglaho ang suspek na si Cinco habang kusang sumuko naman si Ingente na nagsabing nang dahil sa kaniya at away nilang mag-asawa ay naganap ang malagim na pagkama-tay ng mga bata.

ACIRC ALMARIO ELEMENTARY SCHOOL ANG AREA H BERNARDO CAYABYAB CINCO ESTILO CINCO GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER GERALD SAN JOSE GUEVARRA ELE IGGI INGEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with