^

Metro

Re-blocking uli sa EDSA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Asahan ang masi­kip­ na daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng EDSA dahil sa pagpapatuloy na gagawing road re-blocking at repairs ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend. Abiso ito kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Nabatid na sinimulan na alas-10:00 kagabi ang road re-blocking­ at matatapos ito sa Lunes (Oktubre 26). Ang mga apektadong lugar ay ang bahagi ng southbound partikular sa may Estrella St. hanggang Sen. Gil Puyat Ave­nue. Gayundin ang kahabaan ng South Super Highway East Service­ Road mula harapan ng bakanteng lote bago ang PNCC compound hanggang harapan ng PNCC gate. Kaya payo ng MMDA sa mga moto­rista, iwasan ang nabanggit­ na mga lugar upang hindi maabala sa trapik.

ABISO

ACIRC

ANG

ASAHAN

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

ESTRELLA ST.

GAYUNDIN

GIL PUYAT AVE

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SHY

SOUTH SUPER HIGHWAY EAST SERVICE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with