^

Metro

Dahil sa parking Brgy. kagawad, binoga ng sekyu

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa malubhang kalagayan ang isang barangay kagawad sa Caloocan City makaraang mabaril ng security guard ng isang convenience store sa gitna ng pagtatalo ukol sa parking, kahapon ng tanghali.

Agad na naisugod sa pinakamalapit na pagamutan si Ali Tandual­, kagawad ng Brgy. 188 Tala, Caloocan, matapos magtamo ng tama ng bala sa katawan.

Sinabi ni Caloocan City Police chief, Senior. Supt. Bartolome Bustamante na agad namang nadakip ang suspek na si Jonathan Damas, security guard ng 7-11 store sa may Phase 7 Brgy. 167 Bagong Silang, District 1 Caloocan.

Sa inisyal na ulat, ipaparada ng biktima ang kanyang sasak­yan sa tapat ng naturang convenience store dakong alas-12 ng tanghali nang pigilan siya ni Damas.

Nagalit umano ang biktima na pinagsisigawan ang guwar­diya na nagpakilalang kagawad. Sa gitna ng pagtatalo, dito na pinaputukan ng guwardiya ang una.

Sinabi ni Bustamante na plano nilang kumuha ng kopya ng footage ng closed circuit television camera (CCTV)  sa pamunuan ng 7-11 upang maging basehan sa imbestigasyon.

ACIRC

ALI TANDUAL

ANG

BAGONG SILANG

BARTOLOME BUSTAMANTE

BRGY

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

JONATHAN DAMAS

SINABI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with