Bagatsing naghain na ng kandidatura sa Maynila

Si Manila 5th district congressman Amado Bagatsing matapos na maghain ng kanyang certifi­­cate of can­­di­dacy­ sa pag­ka-alkalde sa lungsod ng Maynila sa 2016 elections. (Kuha ni EDD GUMBAN)

MANILA, Philippines - Naghain  na ng kanyang kandidatura kahapon ng umaga si Manila  5th District congressman Amado Bagatsing  sa  district office ng Commission on Elections (Comelec) sa Arroceros,  Maynila.

Alas-9:45 ng umaga nang tanggapin ng Comelec ang  certi­­ficate of candidacy ni Bagatsing kasama ang mga kandidato  sa pagka kongresista sa iba’t-ibang distrito ng Maynila sa ilalim ng   local partylist na Kabaka.

Ayon kay Bagatsing kailangang matapos na ang pahirap ni Manila Mayor Joseph Estrada sa Manilenyo habang wala rin naman umanong mga proyekto na naisasakatuparan ito sa loob ng  tatlong taon.

Nagsisisi rin si Bagatsing sa ginawa nitong pagsuporta kay Estrada noong 2013 nang tumakbo ito sa pagka-alkalde ng  Maynila, hindi umano niya akalain na mas pahihirapan pa ni Estrada ang mga taga Maynila.

“Si Lim nilubog ang Maynila sa utang, tapos si Estrada, bi­naon sa hirap ang Manilenyo”, ani Bagatsing.

Show comments