Most wanted nasakote

MANILA, Philippines – Natapos na rin ang pagtatago ng isang lalaki na tinaguriang “number 1 most wanted” matapos itong masakote ng mga pulis sa Malabon City ka­hapon ng umaga.

Kinilala ni Police Chief Sr. Supt. Severino Abad Jr., hepe ng Mala­bon City Police ang akusadong  si Christian Andales, 27, re­si­dente ng Pinaod San Ildefonso, Bulacan.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa naturang akusado, na itinuturing na number 1 most wanted sa lungsod dahil sa kasong robbery at violence and intimidation of person.

Kaagad na nagsagawa ng operasyon ang mga pulis laban sa akusado alas-8:15 ng umaga.

Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Zaldy Docena, ng Malabon City Regional Trial Court (RTC), Branch 170.

Show comments