Mister tinarakan ng selosang misis

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang 47-anyos na mister nang saksakin sa dibdib ng selosang misis sa Tondo, Maynila,  kamaka-lawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Tondo Memorial Medical Center ang biktimang si Conraco Estoria, ng J. Santos St., Gagalangin, Tondo.

Hindi naman nagtangka pang tumakas ang kaniyang misis na si Ma. Maritess Estoria, 33, na kusang umamin sa harap ng mga barangay officials sa ginawang pananaksak.

Sa  ulat mula sa tangga­pan ni Manila Police District-station1 commander, P/Supt. Redentor Ulsano,  dakong  alas-11:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa.

Nagkukuwentuhan ha-bang nagpapahinga umano ang mag-asawa nang mapag-usapan ang pambababae uma­no ng biktima hanggang sa uminit ang isyu at ungkatin ang kasalanan na nagawa ng biktima.

Hindi umano umamin ang mister nang komprontahin sa kaniyang naging babae kaya naging mas mainit ang pagtatalo hanggang sa saksakin sa dibdib ng kaniyang misis.

Show comments