Hostage-taker sa Maynila patay!

MANILA, Philippines – Nauwi sa madugong eksena ang hostage taking sa lungsod ng Maynila ngayong Huwebes ng hapon.

Kinumpirma ni Manila Vice Mayor Isko Moreno sa kaniyang panayam sa dzBB na napatay ng mga pulis ang hindi pa nakikilalang suspek.

Ginawang hostage ng suspek ang hindi pa malamang dami ng pasahero ng HM bus sa Pedro Gil sa may Taft Avenue.

Ayon sa mga ulat, hinawakan sa leeg ng suspek na armado ng patalim ang isang babaeng estudyanteng biktima.

Kahit napatay na ay dinala pa rin sa Philippine General Hospital ang suspek.

Mabilis ang naging pagresponde ng mga pulis, kung saan hindi tumagal ng isang oras ang insidente.

Ligtas din naman ang estudyanteng biktima.

Show comments