^

Metro

Dalaga pumalag sa holdap, sinaksak

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang da­laga makaraang saksakin sa sikmura ng isang holdaper matapos na tangkain ng una na manlaban sa huli sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon. Sa ulat ng Quezon City Police Station 5 ang biktima ay nakilalang si Zyra Tychikawa, 25, ng Brgy. Old Balara sa lungsod.

Siya ay nagtamo ng isang tama ng saksak sa kanyang sikmura at nakaratay ngayon sa ospital, ayon kay PO3 Jun Abogado, may hawak ng kaso. Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue, kanto ng Zuzuarege St.,Brgy. Old Balara, ganap na alas-12:30 ng madaling araw.

Sinasabing kababa lamang ng taxi ng biktima sa nasabing lugar nang mula sa likuran nito ay sumulpot ang isang suspect na armado ng patalim at biglang inagaw ang dala niyang bag.

Mula dito, tinangka ng biktima na bawiin ang kanyang bag na ikinagalit ng suspect at inundayan siya nito ng saksak sa tiyan saka mabilis na tumakas. Nata­ngay sa biktima ang kanyang wallet na naglalaman ng P12,000 at isang Iphone 5.

ACIRC

ANG

BRGY

COMMONWEALTH AVENUE

IPHONE

JUN ABOGADO

MULA

OLD BALARA

QUEZON CITY POLICE STATION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with