^

Metro

P13-M shabu nasabat, Chinese timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang Chinese national matapos itong mahulihan ng 15 kilong high grade shabu,  na nagkakahalaga ng P13 milyon sa isang buy-bust operation na isinagawa ng District Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group, Southern Police District Office (DAID-SOTG, SPDO) kamakala­wa ng gabi sa Pasay City.

Ayon sa ulat  na isinumite ni Police Supt. Lorenzo Trajano, hepe ng DAID-SOTG kay  Police Chief Supt. Henry Ranola Jr., district director ng SPDO, nakilala ang suspek na si Zhou Jianguo, 34, ng Fujian, China at pansamantalang naninirahan sa #175 Ronquillo St., Sta. Cruz, Maynila.

Base sa report ng pu­lisya naganap ang insi-dente alas-6:15 ng gabi sa service road ng panulukan ng Buendia Avenue at Ro-xas Boulevard ng naturang siyudad.

Nabatid na sakay ang suspek ng isang Hyundai Tucson na may plakang NIC-513 kasabay ng paglulunsad ng buy-bust operation ng mga kagawad ng DAID-SOTG.

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer gamit ang marked mo-ney na nagkakahalaga ng P800,000.00.

Nang magpositibo ay dito na hinudyatang arestuhin ang naturang dayuhan at nakumpiska mula sa sasakyan nito ang may 15 kilong high grade shabu.

ACIRC

ANG

BUENDIA AVENUE

DISTRICT ANTI-ILLEGAL

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK GROUP

HENRY RANOLA JR.

HYUNDAI TUCSON

LORENZO TRAJANO

NBSP

PASAY CITY

POLICE CHIEF SUPT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with