^

Manager nag-sorry na, binaril pa

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Sa kabila ng paghingi ng sorry at paumanhin ay binaril pa rin ang isang restaurant manager ng hindi pa nakikila­lang suspek na kanyang naka­gitgitan habang sakay ng motorsiklo sa Pasig City, kahapon ng umaga. Ang biktima na ginagamot ngayon sa Pasig City General Hospital ay kinilalang si Irvin Lachica, 35, manager ng Charlie’s Grill and Restaurant at residente ng Brgy. Sta Lucia, Pasig City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na ang pamamaril sa biktima ay naganap dakong alas-6:45 ng umaga sa Ortigas Ave. Brgy. Rosario sa lungsod. Ayon sa report, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo papasok sa kanyang trabaho nang makagitgitan niya sa kalsada ang suspek na sakay din ng motorsiklo na walang plaka.

Sinasabing agad na humi­ngi ng sorry ang biktima matapos silang magkagitgitan pero hindi tinanggap ng suspek ang paumanhin sa halip ay kumuha ito ng baril na nasa compartment ng motor saka binaril ang biktima na tinamaan sa kanang paa. Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspect habang ang biktima ay isinugod naman sa pagamutan ng ilang nakasaksi sa insi­dente. Nagsasagawa pa ng follow up operation ang mga tauhan ng Pasig police upang matukoy at madakip ang tumakas na suspek.

ACIRC ANG AYON BIKTIMA BRGY GRILL AND RESTAURANT IRVIN LACHICA ORTIGAS AVE PASIG CITY PASIG CITY GENERAL HOSPITAL STA LUCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with