^

Metro

Kapasidad ng mga drainage sa Maynila titriplehin ng DPWH

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Para iwas-baha

MANILA, Philippines — Nakatakdang triplehin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kapasidad ng mga drainage inlets sa España Boulevard at Dela Fuente St. sa Maynila.

Ito ay alinsunod na rin sa kautusan mismo ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. upang maibsan na ang mga pagbaha sa lugar na nagpapahirap sa mga residente, empleyado at mga estud­yante sa lugar.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, gagawin nilang triple ang laki ng mga lumang drainage inlets sa mga naturang lugar. Mula aniya sa kasalukuyang 0.5 metro lamang ay magiging 1.5 metro na ang holding capacity ng drainage inlets, na magpapabilis sa pagdaloy ng tubig baha sa lugar.

Ani Dizon, deka-dekada na ang problema sa baha sa lugar kaya’t kabilang ito sa kanilang pangunahing prayoridad sa ngayon.

DPWH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with