^

Metro

Unpaid contributions ng mga empleyado 5 employer sa Pasay, pinagbabayad ng P3.19 milyong utang sa SSS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Unpaid contributions ng mga empleyado 5 employer sa Pasay, pinagbabayad ng P3.19 milyong utang sa SSS
Ayon sa SSS, kabilang sa utang ang P1.14 milyong hindi nai-remit na kontribusyon at P2.05 milyong penalty dahil sa paglabag sa Social Security Act of 2018.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inatasan ng Social Security System (SSS) ang limang employer sa Pasay City na bayaran ang kanilang kabuuang P3.19 milyong pagkakautang sa kontribusyon ng mga empleyado kasunod ng isinagawang Run After Contribution Evaders (RACE) operation.

Ayon sa SSS, kabilang sa utang ang P1.14 milyong hindi nai-remit na kontribusyon at P2.05 milyong penalty dahil sa paglabag sa Social Security Act of 2018. Ang mga employer ay nagpapatakbo ng mga negosyong may kaugnayan sa management consultancy, restaurant, real estate, carwash, at sugal at pagtaya.

Binigyan ng SSS ng 15 araw ang mga employer upang makipag-ugna­yan sa SSS Pasay-CCP Complex Branch at bayaran ang kanilang mga obligasyon. Ayon kay SSS President at CEO Robert Joseph de Claro, labag sa batas ang hindi pagre-remit ng kontribusyon at maaari itong mag-alis sa mga manggagawa ng karapatan sa mga benepisyo.

SOCIAL SECURITY SYSTEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with