Barker isinalvage

MANILA, Philippines - Bangkay na nang matagpuan ang isang barker ng jeep nang barilin sa ulo ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Isang tama ng bala ng kalibre .9mm pistol sa ulo ang natamo ng biktimang si Allan Legazpi, residente ng Samson Street, Brgy. Conception, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Malabon City Police, dakong alas-11:45 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ni Legazpi sa gilid ng Samson Street sa naturang barangay nang mapadaan ang 21-anyos na si John Kenneth Estillore.

Natagpuan sa ibabaw ng bangkay ng biktima ang isang papel na may nakasulat na, “wag tutularan pusher ako”.  Dalawang plastic sachet rin na may lamang puting pulbos na hinihinalang shabu ang nakuha sa tabi ng bangkay at isang basyong bala ng kalibre .9mm pistola.

Blangko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga salarin sa panibagong insidente ng patayan sa naturang lungsod.

 

Show comments