2 bangkay natagpuan sa Quezon City

MANILA, Philippines – Nagdudulot ngayon ng matinding palaisipan sa mga awtoridad ang pagkakadiskubre sa dalawang bangkay na kinabibilangan ng isang lalaki at isang babae sa Quezon City kahapon ng hapon.

Sa initial na report sa Criminal Investigation Detection Unit ng QC Police, nakilala ang mga biktima na sina  Emmanuel Tabora  at Jocelyn Rodaje y Olosorio, jobless  at kap­wa nakatira sa  Barangay Payatas sa naturang lunsod.

Nadiskubre ang bangkay ng mga biktima dakong ala-1:30 ng hapon sa loob mismo ng kanilang bahay  sa naturang lugar.

Patuloy pa ring inaalam ng pulisya ang insidente upang malaman kung may foul play sa pagkamatay ng dalawang biktima.

Show comments