Mag-asawang guro nilooban: Mister patay
Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - July 27, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Utas ang isang teacher at sugatan naman ang misis nito matapos looban ang bahay ng mga ito ng isang kawatan, kahapon sa Muntinlupa City.

Dead-on-arrival sa Muntinlupa General Hospital ang biktimang si Jesus Arandia, 30,  ng Lakeview Homes ng naturang lungsod sanhi ng tinamo nitong tatlong  saksak sa leeg at sa dibdib. Ginagamot naman sa nabanggit na ospital ang misis nitong si Keisha, 25, isa ring teacher na nagtamo naman ng saksak sa tiyan.

Kinilala naman ang suspek na sa pamamagitan ng photo gallery ng Muntinlupa City Police, na si  Jeffrey Magnaye, 26,  naninirahan din sa nasabing lugar.

Ayon kay   Senior Supt. Allan Nobleza, hepe ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente alas-5:39 ng umaga sa inuupahang apartment ng mag-asawa sa Lakeview Homes.

Matapos na duguang bumulagta ang mag-asawa ay mabilis na tumakas ang suspek at inaalam pa ng pulisya kung magkano ang natangay nito.

Samantala, sa isang follow-up operation ng mga kagawad ng Muntinlupa City Police, nadakip ang suspek sa mga kamag-anak nito sa Lemery, Batangas.

ALLAN NOBLEZA ANG AYON BATANGAS JEFFREY MAGNAYE JESUS ARANDIA LAKEVIEW HOMES MUNTINLUPA CITY MUNTINLUPA CITY POLICE MUNTINLUPA GENERAL HOSPITAL SENIOR SUPT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with