‘Maynila handa kay Chedeng’ –Erap

Manila Mayor Joseph Estrada

MANILA, Philippines - Nakahanda ang pa­mahalaang-lungsod ng Maynila sa bagyong Che­deng, ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada kahapon.

Sa isang panayam sa telepono, sinabi ni Estrada na inatasan niya ang Risk Reduction Coordinating Committee ng lungsod na mag­handa ng kinakaila­ngang contingency plan laban sa bagyo.

Idinagdag ni Estrada na lahat ng mga departamento ng pama­halaang-lungsod ay nakahandang isagawa ang kani-kanilang obligas­yon para sa anumang mangyayari.

“Nakahanda kami sa anumang bagyo.  Nakahanda ang risk reduction coordinating council ng lungsod. Ipapakalat sa mga pangunahing lugar sa Maynila ang mga ambulansiya at truck para sa rescue operation,” dagdag ng alkalde.

Naunang nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Coordi­nating Council kama­kalawa na maaaring magbunsod ng storm surge, flash flood at land slide ang bagyong Chedeng. (Jose Rodel Clapano)

Show comments