Manila City hall, walang pasok ngayon

MANILA, Philippines – Idineklara na ni Manila Mayor Joseph Estrada na wala nang pasok ngayon sa Manila City hall at sa iba pang mga satellite office­ nito. Ang deklarasyon ni Estrada ay pagbibigay pagka­kataon sa mga empleyado na mapaghandaan ang kanilang paggunita ng Semana Santa.

Aniya, maraming mga empleyado ng city hall ang uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya at mamamanata kaya’t marapat lamang na mabigyan ng oras ang mga ito na makapaghanda.

Tiniyak pa ni Estrada na nakalatag na rin ang seguridad ng Manila Police District command laban sa mga kawatan na mananamantala habang walang tao ang mga bahay.

Show comments