Negosyante biktima ng ‘basag kotse’

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang nabiktima ng ‘basag kotse gang’ kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ang biktimang si Paolo Buendia, 29, binata, ng Paco, Maynila.

Base sa report, naganap ang insidente alas-9:15 ng gabi sa harapan ng Balbidos Laboratory Clinic sa Gil Puyat Ave­nue, panulukan ng FB. Harrison St., ng naturang lungsod.

Ayon sa biktima, bandang alas-6:00 ng gabi ay pinarada niya ang kanyang kulay silver na Mitsubishi Montero (WFO-190) sa naturang lugar at ma­kalipas ang ilang oras, sa kanyang pagbalik ay nakita nitong basag ang salamin ng kanyang kotse at nadiskubre nitong nawawala ang kanyang bag na nandoon ang kanyang mahahalagang gamit.

Show comments