Ayala bridge isinara na, re-routing ipinatupad

Isinara na kahapon ang north at south bound lanes ng Ayala Bridge para bigyang-daan ang major rehabilitation ng naturang matandang tulay sa Maynila. Bening Batuigas

MANILA, Philippines – Nagsimula na kahapong magpatupad ng re-routing ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista para sa inum­pisahang rehabilitasyon ng isa sa mga matandang tulay sa Maynila, ang Ayala Bridge.

Alas-2:00 ng madaling- araw nang isara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Ayala Bridge.

Kabilang sa mga alternatibong ruta na ipinalabas ng MMDA, sa North-bound, mula Romualdez Street ay kakaliwa sa Ayala Boulevard at pagkatapos ay ka­kanan sa Taft Avenue papuntang Quezon Bridge.

Kung mula naman sa Roxas Blvd. o kaya’y Taft Avenue, puwedeng dumaan sa Quezon o Jones Bridge patungong Quezon Blvd.

Sa south-bound, mula Magsaysay, Legarda o Lacson ay maaaring dumaan ng Nagtahan o Mabini Bridge at maaaring kumanan ng Otis na diretso ng UN Avenue.

Show comments