^

Masaker sa Mandaluyong: 3 mag-anak, inutas habang natutulog

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tatlo katao, kabilang ang mag-live-in partner at kanilang kamag-anak ang minasaker  ng apat na hindi pa nakikilalang mga suspek habang ang mga biktima ay mahimbing na natutulog sa kanilang tahanan sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ng kalibre .45 baril at 9mm sa ulo at iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktimang sina Ronadel Galvez, alyas Tonang, 42; ang live-in partner nito na si Nelson Obina, alyas Vic-Vic, 43, at ang pinsang si Arnold Aninao, alyas  Nonoy,  pawang  naninirahan sa  Domingo St. Block 39 Welfareville Compound, Brgy. Addition Hills sa lungsod.

Nabatid mula sa Mandaluyong police na ang pagmasaker sa tatlo ay naganap dakong alas-9:45 ng gabi sa ikalawang palapag na tahanan ng mga biktima.

Sinasabing pinasok ng dalawang suspek ang bahay ng mga biktima habang ang mga ito ay mahimbing na natutulog saka pagbabarilin. Nagsilbi namang look out sa ibaba ng bahay ang dalawa pang suspek.

Hinala ng pulisya na may  kinalaman sa ipinagbabawal na droga ang motibo ng krimen dahil may rekord ang mag live-in partner ng kasong drug pushing na una na ring nadakip ng mga awtoridad  at nakulong sa himpilan ng pulisya.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basyo ng cal.9mm, apat na basyo ng cal. .45, dalawang piraso ng aluminum foil strips at isang plastic sachet na posibleng pinaglagyan ng droga.

ADDITION HILLS ARNOLD ANINAO DOMINGO ST. BLOCK MANDALUYONG CITY NELSON OBINA RONADEL GALVEZ SCENE OF THE CRIME OPERATIVES WELFAREVILLE COMPOUND
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with