^

Metro

Driver, dedo sa bantay-bayan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang binaril at napatay ng isang Bantay Bayan volunteer sa loob ng palikuran ng kanilang tahanan sa Mandaluyong City, kahapon ng hapon.

Posibleng nagmakaawa pa sa suspek ang biktimang nakilalang si Jesan Canal, 28, at residente ng Brgy. Plainview, Mandaluyong City dahil nakaluhod pa ito nang matagpuan ng kanyang kapitbahay.

Tinutugis naman ngayon ng mga awtoridad ang mga itinuturong suspek sa krimen na nakilalang si Cesar Javier, 42, Bantay Bayan volunteer ng naturang barangay, at ang kasama nitong nakilala lamang sa alyas na Cobra.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Marlon Climacosa, ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Mandaluyong City Police, nangyari ang krimen dakong ala-1:00 ng hapon sa loob ng palikuran ng bahay ng biktima.

Kasalukuyang nasa loob ng kanilang comfort room ang biktima nang pasukin ito ng suspek na armado ng baril saka binaril sa ulo habang nakaluhod.

Naisugod pa ang biktima sa Mandaluyong City Medical Center subalit hindi na rin ito umabot ng buhay. Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng krimen.

vuukle comment

BANTAY BAYAN

BRGY

CESAR JAVIER

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

INAALAM

JESAN CANAL

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

MANDALUYONG CITY POLICE

MARLON CLIMACOSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with