^

Metro

Inuman niratrat: 1 dedo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang mister ang nasawi habang isa pa ang malubhang nasugatan, makaraang pagbabarilin ang mga ito ng isang armadong lalaking nakatakip ang mukha habang ang mga una ay nag-iinuman sa isang lugar sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Inves­tigation and Detection Unit, kinilala ang nasawi na si Ro­berto Declines, 31, ng Moral St., Brgy. Bagong Pagasa sa lungsod.

Patuloy namang inoobserbahan sa ospital ang sugatang si McJebyver Potestades, 27, binata, merchandizer ng nasabi ring barangay.

Ayon kay PO1 Anthony Ma­gallon, ang suspect sa pamamaril ay inilarawan sa taas na 5’10’’, walang da­mit pang-itaas, nakasuot ng short pants at natatakpan ng towe­l ang kalahati ng kanyang mukha.

Sa pagsisiyasat, nangyari ang insidente sa may compound na tinutuluyang ng mga biktima ganap na alas-8:10 ng gabi.

Bago ang insidente, nag-iinuman umano ang mga biktima sa harap ng kanilang bahay sa loob ng compound nang pagbabarilin ang mga ito.

Matapos ito, kapwa isi­nugod ang mga biktima sa East Avenue Medical Center, pero idineklarang dead on arrival si Declines, habang nilalapatan naman ng lunas si Po­testades dahil sa isang tama ng bala sa kaliwang puwit.

Lumabas naman sa cur­sory examination na si Declines ay nagtamo ng tatlong tama ng bala, isa sa kanang braso, isa sa sikmura at isa sa kanang balikat. 

Nakarekober din ng awto­ri­dad sa lugar ang limang basyo ng kalibre 9mm na baril na ginamit ng suspect sa krimen.

Patuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

vuukle comment

ANTHONY MA

AYON

BAGONG PAGASA

DETECTION UNIT

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

MORAL ST.

PATULOY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with