Kalansay ng tao nakuha sa drum na sinemento
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 9, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Narekober ang kalansay o mga buto ng tao mula sa isang drum na isinemento at inilubog sa Estero dela Reina, na nadiskubre lamang maka­raang ta­maan ng backhoe na nagsasagawa ng pag­huhukay sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:00 ng hapon ng tamaan ng backhoe na ino-operate ni Jesus­ Punla, 48, ang drum na nakabaon sa dred­ging site.

Nang buksan ang takip ng drum ay natambad ang kalansay ng tao. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.

BINONDO ESTERO JONATHAN BAUTISTA MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION MAYNILA NANG NAREKOBER PATULOY PUNLA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with