^

Metro

Pulis tinamaan ng ligaw na bala sa QC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang pulis matapos tamaan ng ligaw na bala sa lungsod ng Quezon sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Isinugod si Police Officer 1 Puut Piya, 36, nakatalaga sa Regional Police Holding and Accounting Unit, sa FEU Hospital matapos tamaan ng ligaw na bala sa kaliwang paa.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na si Piya lulan ng motorsiklo nang tamaan ng ligaw na bala sa Litex Road, Barangay Commonwealth, Quezon City noong Disyembre 30 bandang 1:30 ng madaling araw.

Nakarinig si Piya ng putok ng mga baril bago namalayang dumurugo ang kanyang paa.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang nagpaputok ng baril.

AYON

BAGONG TAON

BARANGAY COMMONWEALTH

DISYEMBRE

INAALAM

LITEX ROAD

PIYA

POLICE OFFICER

PUUT PIYA

QUEZON CITY

REGIONAL POLICE HOLDING AND ACCOUNTING UNIT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with